Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Panoorin mo ang pagpapalipad ko nang eroplanong sumisimbulo ng pagsuko at pagpapatawad.
Mga bagay na matagal kong kinuyom ng mahigpit sa aking mga palad.

Panoorin mo kung paano lumipad papalayo ang mga gabing walang humpay na iyak at pagsisi. Mga desisyong sumira sa pangarap at tiwala sa sarili.Puting papel para sa tuluyang pagkawala ng mga ala-alang pilit yumayakap sa kailaliman ng gabi, heto na ako malaya sa dilim na dulot ng hapdi.

Hayaan mong tangayin ng hangin paitaas ang galit sa nanakit, tuluyan nang isuko sa Diyos lahat ng nararamdamang pait.
Ang puting noo’y sumisimbulo sa luha kong ‘di mapatid, ay ang puting sisimbulo sa pusong magmamahal parin ng puro—walang bahid.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kasabay ng paglipad ng eroplanong puti ay ang pagsilay ng isang tunay na ngiting matagal ding hindi nakita saking labi.

Puting eroplanong papel para sa pagsuko at pagpapatawad…

malaya ka nang lumipad.

Ni: Ron Gulariza

Send me the best BW Tampal!

* indicates required