Para sa babaeng mahal ng mahal ko

Mahalin mo siya ng buo

Pakinggan ang kanyang mga hinaing

Aluin kapag malungkot at nasasaktan

Damayan mo siya kapag may problema

Ikaw ang maging liwanag sa madilim niyang araw

Suportahan mo ang mga gusto niyang gawin

Intindihin mo ang ugali’t pagkakamali niya

Lambingin siya araw-araw

Ibigay mo lahat ng kaya mo na hindi nag aantay ng kapalit

Payagan mo siya kapag gusto niyang lumabas ng bahay

Kantahan at kwentuhan mo siya kapag mag kausap kayo sa telepono

Lagi mo siya paalalahan na uminom ng kaniyang gamot

Titigan mo siya sa mata kapag nagkwekwento siya

Samahan mo siyang uminom ng kape sa ilalim ng milyon milyong bituin

Pasayahin mo siya

Hindi siya mahirap mahalin, sobrang dali niya lang pasayahin

Ingatan mo siya ha?

At higit sa lahat

Mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya dahil iniwan niya ako para sayo

Masaya ako para sainyo