Siguro nga hindi ka na dapat nasanay pa sa mga bagay na alam mong hindi naman magtatagal at magtutuloy. Nakakalungkot isipin that you have been missing someone, kaso hindi ka naman niya namimiss. Kasi kung miss ka niya, sana nag-initiate na siya. Sana sinabi na niya. Sana pinaramdam na niya. But the truth is, hindi talaga eh. You kept on believing na sana ganun rin siya sa’yo. Kaya lang, hanggang sa isip mo na lang yata.

Bakit mo nga ba siya namimiss? Dahil ba siya yung nagpapasaya sa’yo? Siya yung kumukumpleto ng araw mo? Dahil ba siya lang yung inaabangan mo sa messenger mo na magpaparamdam sa’yo? Ano ba talagang dahilan? And the big question is, bakit mo ba yan nararamdaman? Siguro nga importante siya sa’yo, kaya namimiss mo. There is already a part of you that was with that person all along. Kumbaga, may naiwan na siyang impact sa buhay mo. May pinaramdam siya sa’yo at nahihirapan kang i-let go. But until when?

Wala eh. Hanggang miss ka na lang. Hanggang tanaw sa malayo. Hanggang stalk sa accounts niya. Hanggang tingin ka na lang. Kasi wala ka nang magagawa. Hindi mo pwedeng ipilit na maging ganun din siya sa’yo, kasi siguro ikaw lang nakaramdam niyan. So, titiisin mo na lang yung lungkot. Kahit na gustong gusto mo siya kausapin, but you know it will only hurt you more. Yung makita siya pero hindi mo alam gagawin mo. Yung pag-appear niya ng online pero hindi mo na siya makausap. Hanggang sa tuluyan ka nang mapagod sa kakapilit na sana ganito rin siya sa’yo.