Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Yung akala mo siya na yung babaeng para sayo, yung akala mo siya na yung makakasama mo hanggang dulo, yung akala mo siya na, kasi halos lahat ng hinahanap mo sa isang babae ay na sa kanya na. Yung babae na lagi mong pinag pe-pray ay akala mo dumating na, yung tipo na parehas kayo kristiyano, parehas lahat ng gusto niyo parehas lahat ng mga hilig niyo, naalala ko pa nga nanalo kami sa isang kompetisyon hindi inaakala yun na magiging mister intrams ako at siya naman ay miss intrams. Oh! Diba! Ang saya, oo sumaya ako sa kanya kahit sandaling oras lang na nakasama ko siya. Tapos naalala ko kinantahan ko pa siya at tinugtugan ng ukulele kahit pangit boses ko kasi siya ang ganda ng boses niya ayon ser ko lang hahaha. Madami pa sana nga kaming sabay na kakamitin pero bilisan na natin kasi mabilis lang din naman yung saamin. Tapos dumating na laging nalang cold at dumating na din yung salita na sinabi niya na “Mahal kita, minahal kita, still, mahal kita.” “Ako yung nagkulang, ako yung laging busy, ako yung laging nagfofocus sa iba at di marunong sumunod” pero sabi ko naman sa sarili ko, maaayos naman yan, hindi naman kaylangan tapusin bigyan naman kita ng oras para maayos eh pero wala akong nasabi nung sinabi niya lahat. At mag focus nalang daw kami kay Lord at sa sarili naming buhay kasi nga madami pa naman talagang responsibilidad na kaylangan gampanan kaya, tinanggap ko yung desisyon niya na yun. Tinanggap ko yung sakit. At yung akala kong will na ni Lord pero hindi pa pala. May lessons lang na binigay si Lord para sa amin sa akin may lesson akong natutunan na dapat bago mo masabing siya na yung will ni Lord, dapat naka settle na lahat ng bagay lahat ay nasa tama na yung tamang oras, tamang edad at tamang lugar para masabi mong siya na yung tama na ibibigay para sayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required