Humihingi ka ng love advice?
Sure! Kaibigan kita eh. Alam kong siya na naman ang topic.
Nagulat ka dahil nahulaan kong siya ang pag-uusapan?
Siyempre naman! ang tagal na nating magkaibigan.
Alam kong hanggang ngayon, makapal pa rin ang helmet sa ulo mo.
Alam mo… Sige lang bes. Ituloy mo lang yan.
Umasa ka pa sa kanya. Tiisin mo pa ang bawat sakit.
Baka sakali di ba? “Baka” magbago pa siya.
“Baka” magkaroon na siya ng tapang,
at tubuan ng lakas ng loob na ipaglaban ka.
Baka.
Konting pag-iintindi pa raw?
Sige lang. Push mo pa!
Kahit pagod na pagod ka na, ituloy mo lang yan.
Humihingi ng panahon para makapag-decide?
Pagbigyan mo pa! Yun naman pala ang hinihingi eh.
Umabot na ng ilang buwan? ilang taon?
sus! Sige lang.
Kaya mo pa naman mag-antay di ba?
Kaya mo pa naman magpanggap na okay lang sa iyo ang lahat di ba?
Kaya mo pa naman itago kung ano ang meron kayo di ba?
Sige lang. Pagbigyan mo lang. “Mahal mo eh”.
Umasa ka lang sa mga pangako niya..
Umasa ka lang na magco-commit na siya sa iyo..
Umasa ka lang.
Kahit na habang tumatagal unti-unti ka ng nadudurog..
Kahit sinasampal ka na ng tagal ng panahon at tinutubuan ng ugat,
ituloy mo lang yan. Masasanay ka rin..
Masasanay ka sa mga pauli-ulit na dahilan.
Masasanay ka sa hindi matapos na paghahabol.
Masasanay ka sa sakit.
Hanggang sa hindi mo na kilala ang iyong sarili.
Hanggang sa wala ng matira sa iyo.
Sa bandang huli? iiwan ka na lang niyan basta..
Bakit?
dahil hindi man lang niya natutunan kung ano nga ba ang tunay mong HALAGA.