Para Sayo
Categories Relationships

Para Sayo

 

“Kahit nasasaktan, ikaw parin”

 

Nuong una kang masulyapan, hindi ko itatanggi na may tumusok sa puso kong ito na hindi maipaliwanag. Ngunit ang pusong ito ay may mahal at nasaktan ng lubusan.

Ang puso kong takot magamahal noon ay natutunan na umibig muli, at sa iyo yon.

Ngunit ano ang nangyari? Ang mga naganap sa aking nakalipas ay bakit nangyayari nanaman ngayon? Bakit ka biglang Nawala?

Kung kayat ngayon, ako ay pansamantalang lumisan, naghanap sa mga tanong na “Bakit?” “Akala ko ba” “Okay naman Tayo ah” “Asan ka”.

Dumating ang isang araw nakilala ko siya, sinubukan kong kalimutan ka, ngunit ito nanaman, ang isa sa mga tanong sa aking isipan, “Bakit?” ngaunit sa pagkakataon na ito, ang tanong na bakit ay nadagdagan ng “Bakit ikiaw parin?”

Tayo ay nasaktan, umasang ang lahat ng mali ay aking maitatama. Ang aking hiling ay ipakita mo sakin na hindi na mangyayari ang nakalipas, ngunit bakit isang gabi, sa akin ay sinabi, meron nanaman iba. Aking itinanggi ngunit sa puso kong ito, ang sugat na akala ko ay nag hilom na, ngayon at nasugatan muli.

Kung alam mo lang, sa aking isipan ikaw parin ang tanglaw, sa aking puso ikaw parin ang mahal at sa aking buhay, ikaw parin ang kailangan.

Sa mundo na maraming tukso, sa mundo na madaming pagpipilan, ikaw parin aking sinta ang aking inaasam, kahit tayo ay magkalayo na. Sa mundo puno ng sakit at paghati, ang aking hiling lamang ay ikaw sana ay maging tapat sa akin, ngunit ano nangyari?

Kung alam mo lang, tuwing ikaw ay nakikita, ang mga bisig kong ito ay nais kang mayakap muli, hagkan at wag ng pakawalan, kung alam mo lang, hindi ka nagging pagpipilian, dahil nung noong una pa lamang, ikaw at ikaw ang pinilipili ko.

Isaang daan dahilan upang ako ay lumayo at ikaw ay lisanin ng tuluyan. Ngunit isa lamang dahilan kayang kalimutan ang lahat.  Ako ay nag hihintay lamang ng pagkakataon na makitang ikaw ay tunay na nagabago. Dahil totoo kitang minahal, minahala ng lubusan. At mula noon hanggang ngayon, ikaw parin ang aking mahal

Hindi Man lubos na aminin, ikaw parin.