Papano ko gagawing 70/30,
80/20
90/10
hanggang sa 100% na?
Hirap na hirap ako mag-move on.
Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko na naman ang sarili ko mahulog sa lalaking katulad mo.
Malihim ka. You never let me in. Dapat yun palang, red flags na. Pero gaya ng mga kanya ni Roselle Nava na kinasusuyaan ko noon, nagbulag-bulagan ako.
Bumargain pa ko sa Boss. Sabi ko Lord, alam ko naman pong all signs galing sa Inyo is tigilan ko na. Na pinadala Nio po sya sa buhay ko hindi para mag-stay kundi para magsilbing paalala. Leksyon. Pero Lord wala na nahulog na po ako. Susuway po ako. Sorry po Lord pero susuway po ako. Tatanggapin ko na lang po kung ano mang sakit ang kahihinatnan. Hayaan Nio lang po muna ako na subukan kung hanggang saan aabot ito.”
Napa-buntong hininga na lang si Boss. Sabi Nia, go. Pero hindi ako nagkulang ng paalala sa’yo, anak.
So tinuloy ang karupukan. Tinulak ng palayo, paulit-ulit. Patuloy na pinipilit ang sarili. Patuloy na nagpapanggap na OK lang ‘to. At least nandyan pa rin sya. I’ll take what I can get. Mas masakit kasi kung mawawala sya. Mas hindi ko kaya kung wala sya.
So kahit tinatapak-tapakan mo ako at kahit napakalantaran na ng pagdisrespect mo sa akin at sa pagkatao ko, ako naman tong gaga na nagpatuloy lang. Pikit-mata dahil nahulog na ako ng tuluyan sa’yo. Tinatanggap at pinagtatyagaan ko na kahit yung mga maliliit na morsel ng affection coming from you.
Kasi mas OK na yun kesa wala.
Pero habang tumatagal lalo ka lang nanlalamig. Posibleng meron ka nang iba. Di naman tayo eh, di naman bawal. Posibleng mahal mo pa rin yung ex mo. Posible namang hindi mo naman pala talaga sya ex at kayo pa rin – ginawa mo lang akong side chick at nadaan ako sa mga bola mo.
Malakas ang instinct ko na may mali.
At bago ko tuluyang ibigay ang sarili ko sa’yo, I need to step back and look at what’s going on from a distance.
Mahal kita pero kilala ba kitang talaga?
Mahal nga ba kita samantalang hindi naman talaga kita kilala?
Pwes kung hindi kita mahal, ano tong nararamdaman ko?
Attachment. Validation.
Bigla mong binawi ang validation.
Pero ang attachment ko, tuluy tuloy pa rin.
Kahit na itulak mo ako palayo, balik pa rin ako ng balik. Ako pa ang nauuna. Ako pa ang nangangamusta. Ako, ako, ako. Wala nang input galing sa’yo.
AYOKO NA.
Marupok ako. Mahina. Sinasabi ko ito ngayon, ayoko na. Ngayon. Ngayon ayoko na. Eh papano sa mga susunod na araw? Sa mga susunod na gabi, pag nilalamon na naman ako ng lungkot at hinahanap na naman ng utak ko ang mga mensahe mo? Ang validation mula sa’yo?
Sabi sa syensya ang pagmu-move on daw ay kaparehas ng mga withdrawal symptoms na nararamasan ng isang drug addict pag tinigil nia bigla ang drogang ginagamit nia.
Ganito pala yun kasakit.
Ganito pala yun kahirap.
Ilang luha pala ang ilalabas. Para ka palang nauubusan ng lakas at laging sumasakit ang dibdib mo, at yung sakit na nararamdaman mo ay palabas, palabas papunta sa mga dulo ng daliri mo. Konektado sa lugar na kinalalagakan ng luha mo. Parang daloy ng kuryente. Parang hagip ng latigo.
Masakit. Nagsisisi ako ngayon bakit ako sumuway sa Boss. Sabi Nia siguro Anak, ginusto mo ito. At baka KAILANGAN mo ito.
Ngayon, ginagawa ko lahat ng makakaya ko para burahin ka na sa mga nakasanayan ko.
Kailangan kong tanggapin na ayaw mo na.
AYAW MO NA.
Kailangan kong irespeto ang pag-ayaw mo at higit sa lahat, irespeto ang sarili ko at wag nang patuloy na itapon ang sarili ko sa’yo ng paulit-ulit. Ilang beses ko nang ginawa, puro pasakit lang ang naging kapalit.
Mahal(?) pa rin kita. Hindi yun mawawala agad. In fact I think ilang linggo akong magiging manhid, ilang linggo akong iiyak spontaneously, ilang gabi akong magigising ng madaling araw ng kumakabog ang dibdib.
Pero gusto ko na rin magpahinga at pangalagaan ang sarili ko. Lick my wounds and heal. Tanggalin sa isip ko ang binuo kong perpektong imahe mo. Hindi ka perpekto. Walang taong perpekto ang tatratuhin ang isang babae na parang door mat porke’t alam nyang mahal(?) sya nito.
Hindi ko alam kung kaya ko itong panindigan. Pero parang ginawa ko na lahat. Ang hindi ko na lang ginagawa ay ang bumitaw.
Ayoko nang umasa pero alam ko naman na bukas pagkagising ko at makikita ko na naman na wala kang mensahe sakin, masasaktan na naman ako.
Araw araw na gigising ako at makikita ko ang blangko kong telepono, masasaktan ako. Buong maghapon na tahimik at hindi kita kausap, masasaktan ako.
Masasaktan ako ng masasaktan. Sa matagal na panahon.
Pero sana dumating ang panahon na isang araw nakalimutan ko na pala icheck ang cellphone ko sa umaga.
Na wala na pala akong hinihintay.
Na wala na pala akong iniisip.
Gusto ko na sanang laktawan lang ng sakit na to pero hindi pwede because there is never an easy way out of this.
This was my choice.
Sana kayanin ko.
Sana balang araw tatawanan ko na lang din yung mga panahong nagpaka-gaga ako sa’yo.