Ako yung taong may isang salita

Kapag sinabi ko gagawin ko.

Sabi ko tama na, tama na.

Pag wala na, wala na.

Ako’y nahirapan

yan ay di ko ikakaila,

Kalimutan ka’y di biro

Pero aking kinaya

Nararamdaman ko para sayo

Aking binawasan na

dahil alam kong ito’y

imposibleng pang mawala.

Mabuti na rin siguro ito,

dahil ako’y masaya na,

Masaya kahit mag-isa,

Masaya kahit wala ka.

Nakita ko ang tunay kong halaga

Nung ako na lang mag-isa

Nalaman ko na dapat akong pahalagahan

Hindi yung isinasantabi lamang.

Pero salamat pa rin,

dahil ito’y pinaramdam mo sa akin

at nalaman ko ng maaga

na di ka marunong magpahalaga

ng taong nagmamahal sayo

at gusto kang makasama.

 

Para sa iyo toh CJC