Pokus
Categories Poetry

Pokus

Pinipigilan ko

Pilit na winawaglit sa isipan ang mukha mo

Ang iyong mga ngiti

Ningning ng ‘yong mga mata

At ang tuwa sa ‘yong mga labi

Nais kong burahin itong mga isipin

Mulat ako na ito’y isa lamang guni-guni

At hindi tila pag-asang naka-bitin

Mahirap ka abutin

Kahit na ako’y lapitan

Ay nagawa mo nang gawin

Ang tawagin pa aking ngalan

Ay nadinig ko na at inakalang may laman

Na may laban

Ganda at katalinuhan

Na paniguradong hanap mo

At hindi ang lampa’t may kabagalan

Na siyang taglay ko

Kaya’t pokus sa ‘yo

Ay nais nang maglaho

Lumipad palayo

At iwan itong pantasyang binuo

Ng isip lamang at munting damdamin para sa ‘yo.

*cover photo from Pinterest – @mieseyo