Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tangina, ang sakit!
	hindi ko inakala na masasaktan ako kapag naririnig ko ang pangalan niya sa mga labi mo.
Tangina, may namamagitan pa pala sa inyo.
	Akala ko wala na,
	Kasi sabi nila eh wala na kayong komunikasyon.
Tangina, 'bat ba kasi naniwala pa ako sa kanila?
	Hindi ko inakalang ang dali ko palang masaktan.
	Maapektohan.
Tangina, mahal pa rin kita.
	Akala ko unti- unti nang nawala pero hindi pala.
	Heto ka pa rin sa utak ko, sa puso ko.
Tangina, kaya ko pa ba 'to?
	Kaya ko pa bang marinig ang pangalan nya galing sa mga labi mo?
	Kaya ko pa bang makita kang maligaya sa pagmamahal niya?
Tangina, hindi ko na yata kaya.
Tangina, Tangina!
Tangina, ilang beses ko nang hiniling kay Bathala na
	Na sana ako na lang ang para sa'yo,
	Na sana ako na lang ang laman ng puso't utak mo,
	Na sana ako na lang yung nagpapaligaya sa'yo,
	Na sana ako na lang yung iniibig mo.

	Na sana kaya ko,
	Kaya kong makalimutan ang pag-ibig ko para sa'yo.

PUTANGINA! KAYA KO 'TO! KAYANG-KAYA!
TANGINA, Sino ba ang ginagago ko?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required