Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Lugod akong nagtitiwala
Sa bawat yapak mo prinsesa
Wari mo’y ulap sa iyo’y nakayakap
Para sa pighati mong naranasan sa bawat pagsisikap

Halik na tila’y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Sa pisngi mo’y dadampi na walang kapantay
Pasakit ma’y puno sa nakaraa’t kinabukasan
Ako sayo’y kailanman di lilisan

Umagang darating ma’y puno ng tagdilim
Kalangitan ma’y maging kulimlim
Sana’y wag na wag kang bibitiw
Pagka’t bawat pighati’y lilipas aking giliw

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Aking kamay ay naririto
Kung kailangan ma’y sambitin mo
Dumaan man ang panahon
Sa anumang pagkakataon

Sa isang tula ako’y nanalangin
Dasal kong ito’y sana’y dinggin
Sa iyo’y ipagkaloob nawa ng maykapal
Kay gandang paraisong puno ng pagmamahal

Send me the best BW Tampal!

* indicates required