Pwede Bang Magtanong?
By: Jabriel Iad Sumagayan

Masama bang magkagusto ko sa isang taong malinaw namang hindi magiging sayo?
Tanong na laging umuusig sa isipan ko.
Masama ba masama bang mangarap na balang araw ay magiging tayo?

Mahal kita yan ang totoo, diko lang ipinapakita dahil alam kong ‘di ako ang ‘yong gusto.
Makukuntento nalang ba ako na ang masasabi ko lang ay,
Mahal kita, mahal kong kaibigan, kaibigan lagi kang mag-iingat at wag magpupuyat?

Kaibigang lagi kong tinatanaw,
Kaibigang minahal ko ng kay tagal,
Kaibigang idol ko at laging hinahangaan.
Kaibigan? Oo hanggang kaibigan na lamang ba?
Wala na ba talagang pag-asa,
Na matupad ang pangarap kong makapiling ka sa lahat ng panahon?

Siguro tatanggapin ko na lamang ang totoo.
Katotohanang ikaw ay di mapapasakin,
Na ang ikaw ay diko makakapiling.
Matagal ko na ‘tong kinikimkim,
Masakit man sa damdamin. Ika’y mahal parin.

Masama bang magkagusto sayo?
Masamang bang mahalin kita ng higit sa pagiging kaibigan ko?
Masama bang mangarap na magiging tayo?
Sa tingin ko ay oo. Pero maghihintay ako sa sagot mo.
Mahal kita at yan ang totoo.