Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ito ang mga natatanging repleksyun ng mga dalaga na matagal na mula nung huling nagmahal. Karamihan tinatawag silang strong independent women.  Kaya naman kung isa kang binata na gustong mapa-oo ang isang strong independent woman (with a heart) baka sakaling makatulong ito. Sa totoo lang pwede naman na kasi. Handa na sya, hindi man handa sa posibilidad na baka masaktan muli pero handa na syang sumugal na baka pwede naman talaga na ikaw na yun. Kasi sa totoo lang okay syang single pero alam nya din na magiging mas masaya sya kung sa bawat bagong bukas na kainan ay may kasabay syang susubukan ito. Okay syang magtravel mag-isa pero alam nya na mas masaya din sa feeling yung may kasama syang lalakbayin ang ganda ng bawat bagong lugar. Okay syang manuod ng pelikula mag-isa pero mas masaya din yung may kasama na manunuod tapos share sa isang popcorn tapos biglang magsasabay kayong kumuha hindi sinasadyang mag-hahawak ng kamay, magtatama ang mga mata tapos.. oh tama na muna imagination kasi ang gusto nya yung manifestation naman at mag-materialize na lahat ng pinagpi-pray nya. Kaya maniwala ka pwede na talaga pero depende. Depende sa mga sumusunod na paalala:

  1. Pwede pero depende kung consistent ka

Nahihiya ka ba? Nai-intimidate magmessage kaya hindi mo magawang maging consistent? Hindi nya kayang sumugal sa isang urong sulong na tao. Kapag naramdaman nyang hindi ka consistent, paalam na, next tayo. Pagod na yan sa isang bagay na walang malinaw na intention. Baka yung kilig nya nung unang message mo ng “Hi” dahil sa lulubong lilitaw mong pagpaparamdam ikairita na nya ung “kumain ka na ba?” na message mo.

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


  1. Pwede pero depende kung sigurado ka

Sa tagal nyang naging single kilalang-kilala na nya ang sarili nya. Alam na nya ang gusto nya at ayaw. Alam na nya ang deserve nya at hindi, kaya kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka sigurado, good luck! Ayaw nya ng ganyan. Gusto nya ang lalaki na sigurado sa sarili, hindi nakakatuwa ang lalaking madaming insecurities sa katawan. Kung hindi ka sigurado sa sarili mo paano sya magtitiwala na sigurado ka sa kanya?

 

  1. Pwede pero depende kung responsable ka

Sa tagal ng panahon, trabaho at mga pangarap nya ang jowa nya tapos papasok ka sa buhay nya. Hindi naman sya materialistic pero dapat responsable ka na. Sapat na pagiging responsable sa pagpaplano ng buhay mo. Syempre, mahalaga na ang binubuo nyo ay hindi lang feelings para sa isa’t isa, pero binubuo nyo din ng sabay ang pangarap nyo para sa future. Dapat nagsimula ka na, yung tipong sasabayan nyo na lang ang isa’t isa.

  1. Pwede pero depende kung naniniwala ka kay God

Sa mga panahong nasaktan sya, natagpuan nya ang pagmamahal ng Diyos. Natagpuan nya ang wagas na pagtanggap sa yakap ni Lord kaya kung hindi matibay ang spiritual life mo, masakit mang sabihin pero hindi nya kayang punan ang pinaka malaking bahagi ng buhay mo na yan. Nag-seserve yan kay Lord baka naman pag-awayan nyo pa yan kaya if wala kang pananampalataya na pinaniniwalaan, mahihirapan syang maniwala sayo.

  1. Pwede pero depende kung malinaw kang kausap

Wag mo sanang paghihiwalayin ang salita at gawa kasi nagiging klaro lang ang lahat kapag sinabi mo at ginawa mo. Hindi pwede ung sinabi mo lang na gusto mo sya tapos anung gagawin nya sa “gusto kita”. Gusto mo ba agad ng sagot na “gusto din kita”. Ang bilis naman nun. Nag-antay na yan ng matagal hindi naman nya balak patagalin pa pero wag mo syang i-rush gusto nya lang magkatugma ang sinasabi mo sa mga ginagawa mo. Ayaw na nya ng MU lang, ano malanding ugnayan at magulong usapan? Matanda na kayo, hindi na uso ang fill-in the blank, dapat Yes or No na tayo pero wag ka mag-alala wala namang tama o mali na sagot depende kung paano mo papanindigan.

P.S. kaya pag nag-Yes yan paninindigan nya yan sana ikaw  din.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required