Ang tuso ng  oras…

Hindi ba pwedeng laging patas?

Kung ngayong nakilala na kita

Ay di na mawala na parang laging kailangan kita

 

Hindi ba pwedeng ipagsawalang bahala ang lahat

Puso ko’y handa na ngunit ang panahon

Ay laging may banat

Hindi pa ito ang oras, na kung saan

Ang sakit at hapdi ng nakaraan ay tuluyan ng mawala

 

Dahil ngayon heto na,

Andito ka na, ngunit ang distansya

Ay may pabulong na paalala,

Wag muna..! Kung kaya’t

Hayaang mapawi muna ang pagkasabik

Sa iyong magandang ngiti

 

Sa ating walang humpay na asaran at nabubuong samahan

Nawa ay hindi muna humantong sa Pag-asa

Na ikaw at ako, sa tamang panahon ay magiging isa.