Sa bingit ng pagkapit at pagbitaw
Categories Waiting

Sa bingit ng pagkapit at pagbitaw

Nasa’n na tayo?

Nandito sa pagitan ng pagpapatuloy, ngunit hindi ba’t parang mas lamang ang paglayo?

Dati rati ay ako ang iyong takbuhan, ngayon ay siyang layo na ng ating pagitan.

Wala na rin ang mga ngiti sa labi sa tuwing pangalan mo ay binabanggit, panay mga luha na’ng ikinukubli.

Kung noon ay hindi tayo halos maubusan ng kwento, ngayon ay tila nawalan na ng konteksto.

Hindi mo ba ninanais na tayo ay magbalik sa dati? Mas hangad na bang ngayo’y atin na lamang tapusin?

Nasa’n ka na nga ba, Mahal? Marahil ikaw nga ay naliligaw; ganon na rin ba ang pagmamahal para sa akin na hindi mahanap kung saan?

Ngunit narito lamang ako – kamay ko ay hawakan mo, at daan pabalik sa’kin sana ay mahanap mo.