Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa isang malayong lugar aking natagpuan ang pag-ibig na aking hanap
Tila walang labis na kasiyahan ang makikita sa aking mga mata
Puso’y lumalagablab sa tuwing siya’y nakikita
Na para bang anghel sa aking mga mata

Sa isang saglit na aming pagsasama
Mundo ko’y walang humpay na saya
Saya na makikita sa kaniyang mga mata
At saya na makikita sa aming dalawa

Sa isang saglit puso ko’y sumaya
Ngunit nong ako’y nasaktan puso’y pinalaya
Sa tuwing siya’y naaalala
Puso’y nagdurusa dahil sa pagpaparaya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required