Sa pagitan ng patawad at salamat
Categories Poetry

Sa pagitan ng patawad at salamat

Sa pagitan ng patawad at salamat,
Ang salitang pagod.
Pagod na ako.
Bibitaw na.

Hanggang ngayon di ko pa rin alam
Kung anong nagtutulak sa’kin para lumaban pa
At kahit na alam kong wala na at mali na.
May pag-asa pa nga ba ang tayo?

Pinagtagpo nga lamang ba tayo?
O itinadhana ang tayo?
Itinadhana para magtagpo.
Pinagtagpo dahil hindi itinadhana.

Muling sasambitin sa hangin mahal kita.
Huli na nga ba ito?
O hanggang sa muli na lamang?
Maari bang bumalik?

Bumalik sa kahapong
Wala pang luha na tumutulo sa mga mata,
Mga mata mo na kay sayang pagmasdan,
Ngunit sa isang iglap ay napalitan ng lungkot.

Kinalimutan ako maging ang pangako na minsan nating binuo….
Nasaan ka na? Nasaan na ang pangako mong walang iwanan?
Kung sa umpisa pa lang ng istorya iniwan mo na akong mag-isa….
Darating din.

Hanggang dito na lang muna ang tayo.
Bibitaw na sa mga kamay mong akala ko’y para sa’kin
Maling pag-ibig sa maling panahon,
O tamang pag-ibig sa maling pagkakataon.