
Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Sa pagitan ng…
Ayoko na at kaya pa
Wala nang pag-asa at baka pwede pa
Madilim na kahapon at magandang bukas
Pagmamadali at takdang oras
Kaibigan lang at higit pa roon
Palubog na at unti unting umaahon
Eto na naman tayo sa hindi sigurado
Pero minsan kailangan mo lang maniwala sabi nga ni Julia Barretto
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Abot tanaw na ang pag-asa
Abot kamay na sana talaga
Puro na lang muntik at halos
Kahit kailan di naging lubos
Kaya sa halip na kumapit sa walang kasiguraduhan
Pipiliing lumapit sa may Akda ng Walang Hanggan
Sa halip na magpumilit na magkaroon ng tayo
Pipiliing sa Kanya isuko ang ikaw at ako ✨