Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ako marunong tumula o gumawa ng napakagandang talata.. Pero eto na nga, madaling araw na, pero bakit ganon? Naalala ko yung mga araw na, sinabi mo saking “Bubuoin ko yung pangarap ko syempre, kasama ka.” Tuwang tuwa ang puso ko, naglulundag sa saya.  Ngunit, tila nagiba ang ihip ng hangin. Imbis na sabay nating bubuoin ang mga pangarap nang magkasama e, parang ako nalang ang naiwan? Tutuo pa ba ang mga sinabi mo na, “kung hindi man tayo sa huli, hahanapin kita Sa Susunod na Habang Buhay.” Baka….wala na.. Baka eto na talaga yung tinatawag na ending. Hindi ko man gustong tapusin ang ating istorya, kaso mukhang buo na yung desisyon mong magkanya kanya.

Sa bawat importanteng okasyon na lumilipas mga dekorasyon, palamuti, greetings at handaan ang makikita. Pero bakit ganon? ang tawag at chat mo ang hinihintay ko, kasabay sa paghihintay sa mga araw na ito. Hinihintay na muli mong sabihing “Pwedi ba natin subukan muli?” At sa bawat minutong lumilipas parang gusto kitang tawagan. Kumustahin at kwentuhan tungkol sa araw ko. Pero, bigla nalang akong matatauhan.. matatauhan na hindi na pwedi, na tama na.

Siguro, kung maibabalik ko man yung mga araw na magkasama tayo. Mas hihigpitan ko pa yung mga yakap ko, mas nanamnamin ko yung mga kwentuhan at tawanan natin; mga jokes mo na napakakorni. Mas iintindihin, aalagaan, papakinggan at mas mamahalin ng buo. At puntong ito, inaamin ko namimiss kita ng sobra. Namimiss ko din yung sarili ko na ngumiti, magaan ang pakiramdam kahit na napakadami ng rason para bumigat ito. Yung mga hapunan na pinagsasaluhan natin. Mga sountrip mo na ulit ulit pero dahil mahal kita, okay lang.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa ngayon, wala akong ibang hihilingin kundi yung ibubuti mo. Sana kapag nag krus muli ang ating landas, wala na itong nararamdaman ko. Wala nang sakit, pait at galit. At kung mabibigyan man ako ng pagkakataon na magkaroon ng second life, sana pabor na yung tadhana satin. Para di na natin hilingin ang maraming “Susunod na Habang Buhay” para lang piliin ang isa’t isa.

Gaya ng sinabi mo, ako naman ang magsasabi ng “Ikaw parin ang hahanapin ko Sa Susunod na Habang Buhay“.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required