Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Salamat, kahit di naging tayo.

Dito na pala magtatapos ang isang pagtingin na nagtagal at akala ko, ito na iyon, pero hindi pala.

Salamat kasi nakilala kita, Salamat sa mga sandali na nakasama kita at sa mga alaala na iyong iniwan. Mahirap sabihin na hindi na kita iisipin, pero kakayanin at pipilitin kong di na kita isipin pa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Huwag mo na din akong isipin pa kung sakali, natuto na rin akong maging masaya ng wala ka, at ng walang tayo.

Kahit ngayo’y nag-iisa,  basta’t masaya ka, ako’y masaya na.
Kahit takot ako na dumating yung araw na mawawala ka na, kinaya ko naman at hinarap ko na ang bukas na wala ka na.

Paalam na sa mga sandaling di na natin maibabalik pa,
Paalam na sa mga salitang kailanma’y di ko na masasabi pa sayo, at paalam na sa pagtingin ko sayo na di ko inakalang magtatagal.

Sana palagi kang masaya at salamat ng marami sayo….

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required