sa taong malabo,
Categories Relationships

sa taong malabo,

sa totoo lang talaga, hindi ko rin akalain na sa’yo ako mahuhulog ng husto. sa iba’t ibang rason, hindi ko maituro kung sa anong dahilan ekaskto. pero isa lang ang sigurado ko, hindi pa ito ang tamang panahon.

oo, umamin ako sa nararamdaman ko dahil ayokong panghawakan ang sinabi mong babalik ka kapag okay ka na, tapos mali pala ako? paanong okay ka na? yung ok  na yung pakiramdam mo? yung ok na nakamove on ka na?

hindi nga naging tayo dahil ang alam ko magkaibigan tayo pero hindi ko naman pinipilit na ibalik mo din yung sinabi ko. dahil alam ko, hindi pa panahon.

pero ang gusto ko lang naman ay kasagutan. kung dapat ba kong maghintay sa’yo dahil pareho tayo ng nararamdaman o maghihintay lang ako na umokay ka na samantalang ako humawak dun sa mga binitiwan mong salita.

hindi ko din talaga alam. mahirap mangapa sa dilim dahil ngayon lang naman ako nagkaroon ng lakas ng loob umamin. sabihin mo lang sakin kung ano yung totoo, handa naman akong tanggapin. handa rin akong maghintay para sa ating dalawa dahil alam ko, hindi pa ito ang tamang panahon. kapwa pa tayo nag-aaral at marami pang panahon ang dapat ilaan para ihandog ang lakas natin sa Dios.

paano ko ba malalaman kung hindi mo sasabihin? hindi naman ako mawawala sa’yo, gagamitin natin ang mga panahon para kapwa tayo maging sapat para sa isa’t isa. magtitiwala ako sa’yo at ganun ka rin sana sa akin kung iyo lang lilinawin kung dapat ba kitang hintayin.

sa ngayon, gusto ko lang ng kasagutan sa mga tanong na iniwan ko sa’yo. hindi naman ako magagalit dahil handa akong tanggapin na baka mali lang ako ng akala sa lahat ng pinagsamahan natin.

sana linawin mo, sana sagutin mo yung mga tanong ko. naniniwala naman ako sa sinabi mo sa tamang panahon, pero mahirap maghintay at maniwala sa maling akala baka hindi pala para sa akin yun diba?