Bigla ko nalang naisip ang tanong mo.. At heto nga nagsink-in sa akin.
Ganito ako kapag hindi makapagconcentrate sa trabaho, o kaya naman hindi makatulog dahil sa paiba-iba ng shift.
Akala ko nga nalimot ko ang unang kong minahal pero eto akot, bigla bigla nalang nagppindot sa keyboard haahaha.. Ilang taon na din mula nung ginawa ko toh.
Siguro dahil sa dami ng pinapagawa sa office or nalibang nalang ako sa ibang bagay, kaya ganun..
At eto na ang sagot ko sa tanong mo.. Oo, at siyangang tunay na nagbago ka na.
Alam ko na naman na mangyayari yun either for good or for bad. Simula nung umalis ka mangyayari yun.. Dahil sabi nga nila change is inevitable, mangyayari at mangyari kahit hindi ka pa handa at kahit hindi mo man gusto.
Hindi ka na nga tulad ng dati, na madaling maapektuhan sa mga maliliit na bagay..
Hindi ka na ung taong madaling magtiwala. Marahil sa paglipas ng taon, naging matatag ka na at tumapang.Hinubog ng ilang taong pakikipagsapalaran sa ibang lugar. kung saan malayo sa kinagisnang pamumuhay, malayo sa lahat..
Kaya mo na ngang magisa, oo andun pa din na nalulungkot ka kasi hindi mo kami kasama o ang mahal mong pamilya., pero dahil nasanay ka ng magisa, nakakaya mo na ang lahat, lahat
Mas gusto mo pa nga sigurong mapagisa. Habang pinagmamasdan ang alon sa dagat.
Gustong kitang samahan sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng panahon.
Kaso mangyayari lang yun kung aalis ako ngayon sa tinatawag mong comfort zone.
Mahirap umalis sa nakasanayan na.. Mahirap pero nakaya mo nga eh, sana makayanan ko, sana magkaroon din ako ng lakas ng loob na umalis habang kaya pa, habang hindi pa ako nalulunod.
Minsan, kapag nararamdaman ko ding magisa ako.. hindi ko na alam kung sino pa ba ako.. Nakakapagod na din kasing itindihin ang mga tao na nasa paligid ko..
Siguro ganun din sila, napapagod na intindihin ako, kung ano nga ba ang gusto ko, ano ba ang plano ko..
Kaya tulad mo mas gusto kong magisa.
Magisang hinarap ang bukas.
Pangarap kong pumunta sa lugar na walang nakakilala sa akin kung hindi ikaw lang.. Ikaw lang at walang ng iba..
Kaso hindi ko yun magagawa kung mananatili ako.. Mahirap, Nakakatakot mag desisyon, Pero kung may pagkakataon, kung may oportunidad.. makakaya ko kayang gawin.. para makasama ka…