Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Naalala ko nung nagtatrabaho pa ko sa gobyerno, nasa 3rd floor ng building yung office kung san ako pumapasok. Kadalasan, sumasakay ako ng elevator para mas madali at mabilis. Pero may isang pagkakataon na nasira yung elevator at kelangang ayusin. Habang inaayos ng maintenance yung elevator, nabalitaan namin na naaksidente yung isa sa mga trabahador na gumagawa sa elevator dahilan para mamatay ito. Dahil dun, nagkaroon ng takot ang karamihan kaya di na sila sumasakay ng elevator nung mga panahon na yun. Mas pinili nilang umakyat ng hagdan kahit matagal at nakakapagod kesa sumakay ng elevator na kung tutuusin ay mas mapapadali at mapapabilis ang pagpunta nila sa kung saan mang palapag ng building.
Isipin mo, bakit hanggang ngayon nanjan ka parin? Bakit di ka makarating sa next level mo? Or pwedeng paangat ka nga but fear is holding you back?
You want to go to your next level?
Sakay ka na ng elevator.2 Timothy 1:7
For God has not given us a spirit of fear and timidity, but of power, love, and self-discipline.