Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Salamat sa mga alaala.

Salamat sa mga panahon na ninais mo akong makita.

Salamat sa mga pag uusap na makabuluhan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Salamat sa mga oras na iyong ipinahiram.

Salamat sa pakikinig.

Salamat din at ako ay iyong napakilig.

Salamat at ang lahat na ito ay natapos din.

Salamat at ang lahat ng mga ito ay alaala nalang din.

Salamat at hindi ito nagtagal.

Salamat at ito ay nagwakas.

Salamat at ng dahil dito ako ay naging malakas.

Salamat at ng dahil dito ako ay natuto.

Salamat at ng dahil dito nalaman kung may mga tao na katulad mo.

Salamat sa aral na dulot mo.

Salamat din sa pagwasak ng aking puso.

Salamat dahil nalaman ko na may puso ako.

Salamat sa wakas ang aking puso ay naghilom na.

Salamat at hindi na kita ninais na mahagkan at makita.

Salamat at natanggap ko na hanggang doon lng talaga tayong dalawa.

Salamat naman talaga at hindi naging tayo dahil siguro mas masakit pa dito ang mararanasan ko.

Salamat sa iyo. Minahal kita kahit haggang doon lang tayo. Salamat talaga.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required