Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tama na, kasi hindi na pwede. Simula pa lang kasi hindi na talaga maaari, ako lang tong pilit nang pilit kahit alam kong mali. Alam kong darating ang panahon na kahit subukang ipaglaban kung ikaw sukong-suko na…bibitaw at bibitaw ka talaga.

Hinayaan ko na umikot ang mundo ko sayo, hinayaan kong ikaw palagi… Ikaw lang. Ako itong hawak-hawak pa rin ang mga kamay mo kahit ikaw ay pilit na pumipiglas. Hindi ko alam kung bakit ganito, masaya pa rin ako sayo kahit alam kong hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti mo. Dahil wala lang naman ako sayo. Tila isang lumang plaka na lang na tumutugtog mag-isa habang ikaw nasa ibang saliw na. Hindi ko man lang naisip na matagal ka na pa lang nakabitaw, wala na pa lang taling pumapagitan satin. Hindi ko alam pero baka nga kailangan ko na ring bumitaw.

Ikaw ang aking palagi, ngunit hindi na maaari.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required