Salamat sa pagmamahal mo,

Salamat sa pagkakataong ito, salamat sa pagkakataong ibinigay mo

Pagkakataong mai-ayos ko ang sarili ko,

Pagkakataong mas mahalin ko ang sarili ko,

Ngunit bakit ganito? bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ba’t dapat masaya ako? dapat masaya ako!

Dahil ito naman ang gusto ko,

ang makalaya sayo!

ang makalaya sa relasyong pinagtitiisan ko!

ang makalaya sa relasyong kung saan nakakulong ako!

nakakulong sa labis na pagmamahal mo..

Pero bakit ganito?

subrang sakit ng nadarama ko,parang dinudurog ang aking puso!

Salamat sa pagmamahal mo,

Ngayun ko lang napagtanto

na hindi ko kayang mawala ang tulad mo

Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko,

Ngunit alam ko…

Alam kong huli na ang lahat,

Salamat sa lahat lahat

Ngayun ko lang ulit ipagtatapat

Mahal kita,… mahal na mahal kita

Pero wala na, wala na akong magagawa,….

Alam kong ako ang may kasalanan

Kung bakit humantong sa hiwalayan

Relasyon nating matagal mong iningatan

Nasira lang dahil sa aking kapabayaan!

Sa mga panahong lubos mo akong kailangan,

Wala ako sa tabi mo para damdamin mo’y mapagaan

Binalewala kita…. Ou binalewala kita

Dahil kampante akong mahal mo ako at mahal kita,

Pero di pala sapat ang mahal lang pag walang tiwala

Ako ay nagloko, nakahanap ng iba

Yan ang hinala mo!

Pinabayaan kita sa mga pagbibintang mo,

Hanggang sa pinaniwala mo ang sarili mo

Dahil napagud na akong magpaliwanag sayo

Hinayaan na lang kitang ganun nga ang isipin mo

Puro na lang nararamdaman ko ang iniisip ko,

Di ko na naisip ang nararamdaman mo

Naging makasarili ako, oo naging makasarili ako!

At nang dahil dun, unti unti ka ng lumayo,

hanggang sa aking napagtanto,

hindi na kita lubos kilala hindi na ikaw ang mahal ko!

Patawad sa mga pagkukulang ko

Salamat sa pagmamahal mo

Sana maging masaya ka, kahit wala ng tayo