Isa dalawa tatlo, naglalakad ako palayo. Nagiisip san tutungo, bitbit ang pangako mong napako. Saan ba ako nagkulang at naisipan mong magbago? Ako ba’y nagkamali, ikaw ba’y nasaktan ko?
Apat lima, bakit nga ba ikaw ay humanap ng iba? Akala ko ay okay na, sabi mo sakin ika’y masaya. Ngunit nagbago ihip ng hangin, ang gusto mo’y lumaya. Umiyak ako, nagmakaawa. Pero ang pasya mo’y buo na.
Anim, lahat ng nararamdaman ko’y di malihim. Nalulunod na ata ako, hindi ko alam, diko alam na yung pagmamahal ko ganto na kalalim. Nasarapan ako, nakalimot ako. Diko namalayan na pati pala sakit magagawa mong ipatikim.
Pito walo, Tama nang paulit ulit na panggagago. Nagmamakaawa ako sayo nung araw na iniwan mo ako. Pero diba ang sabi mo, ayaw mo? Ako. Ako yung paulit ulit na nasasaktan. Ako yung paulit ulit na nahihirapan. Ako yung paulit ulit, paulit ulit mong niloloko pero diko akalaing sayo ko pa unang maririnig ang katagang “suko na ako”.
Siyam. Ikalawa sa huli bago matapos ang mga numero. Hanggang ngayon nagiisip parin ako kung anong ginawa mo sakin at bakit hanggang ngayon ay namamagasa akong ito lamang ay isang biro. Isang biro na ang dulot na sakit ay hindi parang laro. Klase ng laro kung saan ang puso ko’y iniwan mong wasak dulot ng hagupit ng mga salita mong tila ba latigo.
At sawakas narating ko din ang sampu. Oo sampu. Sampu ang mga daliri sa mga kamay ko na kahit ako’y sasabog na hindi ito lumapat sa mukha mo. Sa sobrang sakit isa lamang ang naisip kong paraan para makaganti sayo, at iyon ay hinding hindi na ako babalik sa piling mo. Kaya kung sakali mang bumalik ka sakin at sabihin mong ako talaga ang mahal mo, pasensya na. Kasi dahil sa sakit na dinulot mo, natuto na ako.