Ikaw Yung Una kong Totoo

-TR 

Ang daming tumatakbo sa utak ko, hindi ko alam pero sobrang labo, mahal ko, iyang mga matang yan, unti unting pinapatay ako.

Nasasaktan sa bawat pag tingin, at sa pag iwas na lang naliligtas kahit saglit, nais kong yakapin ka, hagkan dahil sa pangungulila, alam mo bang ikaw lang ang nakikita?

Masasaya, makukulit, magagandang alaala, na alam kong kailanman, hinding hindi na maibabalik pa. Mga panahong masaya lang tayong lahat, nagtatawanan sa mga hindi maintindihang kwentuhan.

Anong nangyari? bakit bigla na lang nagbago? bakit biglang lungkot ang umikot sa bago nating mundo? Ninais ko ng lumayo at lumisan sa sobrang sakit na naidulot mo, minahal lang naman kita, pero bakit nadurog na lang bigla?

Pinilit ba kita? sinabi ko ba? ako ba’y nagmakaawa? pinaramdam ko lang naman sayo ang totoo, alam kong alam mo na gusto kita. Hindi ko sinabing paglaruan mo ko.. Una’t huli, yan ang pangarap ko, pangarap na binuo ko, pangarap na ikaw sana ang gusto kong bumuo.

Kaya lang nagkamali ako, sinabi ko sayo ang nakaraan ko para mag ingat ka sa mga kilos na pinapakita mo, hindi para tignan.. kung tanga pa ba ko. Hindi pala ikaw ang bubuo, dahil ikaw pala ang wawasak sa pagmamahal na pinaniwalaan ko, Nakakatakot magmahal.. yan ang tinuro mo.

Pero alam mo kung ano ang maganda? Natutunan kong mahalin ang aking sarili, binigyan mo ko ng pangarap at mithi, na makakilala ng taong hihigit sayo.

Mas pinahalagahan ko ang sarili ko, mas minahal ko ang mga taong mahal ako, Oo, sinaktan mo ko, pero sinaktan mo lang ako.

Kaya tama na, ayoko na. Ayoko nang umiyak gabi-gabi, nagtatanong kung anong mali sa sarili, ayoko nang tumulala na lang bigla at magpapanggap na masaya.

Isa lang naman ang gusto ko, ang maging masaya ka, kahit hindi ako ang dahilan nito, gusto kong makita kang totoong masaya, sayang nakita ko noong tayo’y maayos pa.

Hindi ako galit, hindi ko naman kayang magalit sayo, galit ako sa ginawa mo… gusto kitang patawarin, pero, kailangan ko munang patawarin ang sarili ko dahil sa pagmamahal sa maling tao.

At pagkatapos, saka kita iisipin, saka kita papatawarin, kaya sana.. maintindihan mo, na sa pag layo, ito ang solusyon para na rin maging maayos at buo, para kapag tamang tao dumating… kayang kaya ko na ulit siyang mahalin.