Sana
Categories Move On

Sana

Sana.

Isang salita, maraming nilalaman. Ang dami kong sana no’ng nakilala kita, pero lahat ng ‘yon hindi nangyari.

Sana ako nalang yung pinili mo. Ako naman yung nandyan para sayo no’ng mga panahon na kailangan mo ng masasandalan at kausap kapag nalulungkot ka o may problema, lagi din ako yung unang mong pinupuntahan kapag may mga gusto kang i-kwento sa’kin either nangyari sa buong araw mo o kung may na-achieve ka sa buhay mo kahit maliit na bagay, minsan ako din tinatawagan mo pag gabi dahil gusto mo mag-rant para makatulog ka, o ‘di kaya kakamustahin mo din ako kung ano din nangyari sa buong araw ko. Minsan, ako pa yung umaaktong nanay mo dahil tinatama kita pag may mali ka nang ginagawa, dahil ‘don, mas lalo akong namangha sa’yo kasi kaya mong akuin yung pagkakamali mo.

Sana ako nalang yung nakita mo. Ako naman yung kasama mo lagi kapag gusto mong mag-aral para sa mga susunod na exams, quizzes at reportings na gagawin mo. Kapag ‘di mo kaya, tinutulungan kita kahit ‘di mo sabihin kasi alam ko kapag nahihirapan ka na. Minsan pa nga, ako pa gumagawa ng assignments mo kapag gahol na gahol ka na sa oras. Kapag nag-c-crave ka, ako lagi mong niyayaya na kumain sa mga gusto mong kainan malapit sa bahay niyo o sa school. Kahit paubos na ang allowance ko, tina-tiyaga kong samahan ka pero kapag alam mong kulang yung pera na dala ko, nililibre mo nalang ako para sumama ako sa’yo. ‘Pag gusto mong gumala, ako din inaaya mong gumala tayo.

Sana ako nalang yung minahal mo. Hindi ko pa rin aakalain na mahuhulog ako sa isang tulad mo. Yung tulad mo na inaalala din ang kalagayan ko kapag nagkakasakit ako, o ‘di kaya kapag kinakabahan ako sa mga bagay-bagay na hindi naman kailangan ika-kaba. Yung tulad mo na masiyahin at kaya akong patawanin ‘pag nalulungkot ako dahil ayaw mo na may nalulungkot sa paligid mo.

Kaso iba ang pinili mo, ang nakita mo, at ang minahal mo.

Sana ako nalang. Sana, maging malaya na’ko mula sa’yo. Sana, kaya na kitang pakawalan. Sana, maging masaya ka na sa kanya.