Alam ko namang walang chance na mabasa mo ‘to lahat pero magsusulat parin ako. Akala ko okay na ako after the 3mos rule pero kapag may mga kasama akong kaclose, maya’t maya ako nagrerelapse. Like halimbawa may bumili ng matcha yogurt bigla kong sasabihin, ” Favorite din niya yan eh.” Or sasabihan nila akong ang galing at masipag pero bigla kong ihuhugot na, “Oo nga eh, pero iniwan parin.” Alam mo ba, sobrang lungkot ko bago and the day of my thesis proposal defense kahit na dapat maging sobrang saya ko kasi napasa ko siya. Kasi during ng pagsusulat ko ng bibiliometric analysis na tinuruan mo pa ako mgcombined ng database sa Excel pati during nung pagsusulat ng proposal paper ko ay kasama kita. Inimagine ko na during my MS Chem thesis journey hanggang paggraduate kasama kita, sa pagchange career ko sa Data Analytics, sa pagpunta sa Netherlands, sa mga future travels na sana kasama kita. Ngayon, wala na. Wala kana sa buhay ko. Alam kong kakayanin ko, ikaw nga laging naniniwala sakin diba. Sorry kung napressure kita sa lahat ng bagay at nalimutan kong inenjoy yung present moments na meron tayo. Sa susunod ha, magset ng boundaries it’s okay to say NO para hindi magexpect yung tao. Kung hindi pa talaga pwede, explain mo lang, compromise tska huwag mo naman susukuan agad. Maging emotionally available, magpartner diba? To grow together. Sorry kung madalas akong magreklamo na nahihirapan ako sa LDR pero di naman ako susuko satin. Sorry kung nacocompare kita minsan, nagdedemand ako at napasa ko yung stress from my trauma and insecurities sa sarili. I learned my lessons the hard way after the breakup and I will leave you behind to move forward. I will stop checking on you, I will try not to think of you esp our good and bad times together. Sobrang hirap bumangon sa totoo lang sa season na’to and I know to myself na kapag natapos na lahat ng nararanasan ko na’to, healed, matured at nag grow na ako. It takes time for me I think a year or two kasi minahal kita ng totoo at buo ng higit pa sa sarili ko. Diba napansin mo lagi kong inaalign yung goals ko makasama lang kita na mas importante ka kesa sa career ko kasi sayo na ako masaya, sapat kana at ikaw na yung pinili kong makasama habambuhay pero ayun hindi tayo ang itinadhana kundi para maging lessons lang sa isa’t isa at maging better sa susunod na relationship. I will do my best to give back the love I gave to you for myself. I pray that you will have a happy life, good health and successful career. I hope we can cross paths someday and maging friends ulit or maybe not bahala na si Lord. (11/24/2023)
First Christmas and soon New Year na wala kana sa buhay ko. Diba a month ago, yung Kathniel officially announced that they ended their 11 years of relationship, sobrang nakakasad kasi favorite loveteam natin sila sunod ng Donbelle, diba? Ramdam ko nararamdaman ni Kath pero mas mabigat yung kanya kasi mas madami na silang nagawa at nabuo together. Tapos ang dami ding artista na naghiwalay after natin. Bakit ngayong taon pa? Hindi last year or next year? Hay. But I’m happy where you are right now, I’m stucked in my career but growing in terms of character and personality when I am with you. Mas lumawak yung pang unawa at patience ko sa lahat. I hope also na nag grow ka kasama ako. Now I realized na sobrang nasaktan kita sa mga naparamdam ko sayo kaya nagawa mo din sakin yun lahat. Sana mas inintindi kita, nirespect at hindi pinapangunahan sa lahat and I’m really sorry kung hinanap ko sayo yung “father-liked”, assurance and security. Ang gusto ko lang naman makasama ka at mali ako dun na inasa ko sayo lahat kaya napagod ka. Sorry kung nagresurfaced lahat ng pressure, anxiety and insecurity ko especially extreme jealousy grabe ang toxic ko dun. Tapos sobrang mapanumbat ko pa diba. I showed you unhealthy love at sobrang pinagsisihan ko yun lahat for months when I knew that we started from a healthy love and relationship. I hope next time maybe with someone new na I hear what I need to hear than what I want to hear para matuto ako sa mga pagkakamali ko and having a healthy boundaries. Alam mo namang umiiyak lang ako kapag napapagalitan because of my pride and ego but I’m doing my best to compromise pero hindi kasi madali baguhin ang ugali, it is bounded with time, effort, patience and it’s a process kaya minsan nauulit ko parin. Sinasabi ko rin yung hindi ko nagustuhan sayo pero hindi ibig sabihin nun lagi kang mali. Kaya I hope next time that I learned promises are meant to be broken and everything is temporary so enjoy the “now” and don’t overthink and over plan for the future. I’m sorry and thank you for being with me during those 3 years of pandemic and to be happy and sad during our season. Sayo ko naranasan ano at paano ako kapag nagmahal, sayo ko naranasan lahat ng “first” time, sayo ko mas nakilala yung sarili ko, ano yung mga gusto ko, ano yung mga kailangan ko at ano yung mga dapat na boundaries na i established ko. Nahihirapan parin ako as of now na totally makamove on bacause of I’m too attached with you na tama ka ginawa nga kitang mundo kasi sa lahat ng ginagawa ko iniisip ko na kasama kita until sa future pero I really need a long patience for myself to process and properly healed. I will improve in aspects na hinahangaan ko sayo para hindi ko na hanapin sa iba. I will also improve my logic and communication skills. I will grow to be a lady and fine, classy woman. Thank you na dumating ka sa buhay ko. I will never forget you and you will always remain in my heart, you knew naman that you’re my first love and a lesson. 12/30/2023
All I Ask – Adele 🥲