Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sabay sa pag putok ng araw,
Ang paglaho ng mga bulalakaw.
Lumagpas ang gabi,
Ng hindi nakahiling.
Binalot ng lungkot,
Pangamba at takot,
Na ang hiling ay di matupad.
Ngunit bigla ko naalala,
Kahit ilang bituin
ang bumagsak,
Katotohanan ang bibiyak
Sa isip kong nangangarap
Na sana ako iyong kayakap.
At hindi sana luha ng kalungkutan,
Ang unti unting sumusulat
Sa maamo mong mukha
Na syang aking pinangarap.
Ngunit di ako iyong pinili,
‘di pangalan ko ang sinabi
Sana di ka ngayon mag isa.

Sana ako nalang siya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required