Sana

45

Sana nasulyapan mo pa ang mga labing nakangiti tuwing nakikita kita

Sa tuwing akoy uuwi kayo ang laging hinahanap ng aking mga mata

Sana wag pa sana, Sana nandito ka pa

Sana mahahawakan at mayayakap ka pa

Sana makita pa namin ang ngiti mong masaya

Sana magkasama pa tayong maglakad sa gilid ng kalsada

Sana magkasama pa tayong magtawanan at magkwekwentohan kasama ang pamilya

Pano na ngayon, di na kompleto ang pasko pagka’t wala ka na at nakakapanibago

Ang nakasanayang masayang salosalo ay malungkot na, sapagkat wala na ang aming pinakamamahal na lolo

Sana masaya ka ngayon

Wala ng kalungkutan at sakit na nararamdaman

Magpahinga ka lang at tayo’y magkikita pa sa darating na panahon

Mahal na mahal ka namin Papaluding ❤️😭