Sana Ikaw

76

Di ko alam kung paano to sisimulan
Di ko rin alam kung hanggang kailan
Di rin alam kung saan to patutungo
Ang dami kong gustong sabihin
Ang dami kong plano para sa atin
Ewan
Pero sana ikaw
Kasabay ko
Katabi ko
Sa dalampasigang bughaw
Tinatanaw
Paglubog nang araw
Alo’y humahampas
Sa mga paang naka tsinelas
Pero sadyang kay bilis ng oras
Sana
Sana wala nang bukas
Sa mga nalalabing sandali
Binabalik tanaw ko ang iyong mga ngiti
Mga yakap mo’t halik
Gayunpama’y di na muling maibabalik
Kasi napagtanto ko
Wala na palang “tayo”
Masaya ako’t nakita kitang muli
Pero parang ito na yata ang huli
Alam kong masaya kana
Sa piling niya
Pagbati nga pala
Ikakasal na pala kayo sa makalawa
At kahit pilit man ngayon ang aking pagngiti
Puso ma’y humihikbi
Isipan ma’y nagsusumamo
Ang salitang “Sana”
Ngayon ay kusa nalang ibubura
Pipiliting ibaon
Sa limot ang isang kahapon