Noong gabing sinabi mong ayaw mo na, talaga bang ayaw mo na?
Higit apat na taon tayong naging magkasama, marami at ‘di biro ang ating pinagdaanan.
Sa paggising, una kong mababasa ang message mo – ang message mo na laging pinaparamdam kung gaano mo ako kamahal na siyang nagpapalakas sa’kin para harapin ang isang bagong araw.
Sa gabi na kapag nag-iisa sa madilim na kwarto – sa madilim na kwarto kung saan tahimik na lumuluha dahil sa mga tampuhan at ‘di pagkaka-unawaan. Mga mismong sandali na sinasabi mong “Di mo ako iiwan”, “Walang ng iba pang babae sa buhay mo”, “Di mo makakaya kapag mawawala ako”…
Hindi rin biro ‘yung mga effort mo sa pagtulong sa’kin, mula sa pamamalengke hanggang sa paggawa ng mga projects.
Napaka-perfect para sa paningin ng iba, at akala ko tayo na hanggang sa huli.
Pero bumaligtad ang lahat noong nag-abroad ako. Sabi mo noong bago ako umalis, takot ka sa mangyayari dahil baka humanap ako ng iba doon. Pero mali pala. IKAW ANG UNANG NAGLOKO; IKAW ANG UNANG NAGTAKSIL.
Bakit lahat binigay ko? Bakit ako nagsayang ng panahon? Hindi ba ako worth it?
Mga tanong na laging bumubulong sa isip ko kapag naaalala kita.
Noong umuwi ako at nagbakasyon dyan, nagulat ka noong nakita mo’ko. Kasabay ng pagkalito mo kung sini sa aming dalawa ang mahal mo. Umabot pa sa punto na nakipag cool-off ka sa kanya dahil litong-lito ka. Pinipilit mong magkita tayo at pag-usapan ang mga bagay-bagay.
Pero naaaaaah. AYOKO NA MAGSAYANG NG PANAHON AT AYOKONG MAKASIRA NG RELASYON.
Gusto kong maramdaman mo ako sa bawat pagdampi ng labi nyo sa isa’t-isa at sa higpit ng pagyakap nya sa’yo. Gusto kong maalala mo ako sa bawat lugar na pupuntahan n’yo. Gusto kong maramdaman mo ako kapag gulong-gulo ka sa buhay mo at walang makausap.
Sana masaya kayo.
At sana nahanap mo na ang taong makakapagpasaya sayo…
Habang buhay.
Sadyang may mga bagay na ‘di na mababago at kailangan tanggapin. At may mga bagay na kailangan baguhin kung ‘di mo kayang tanggapin.