Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paano kaya kung ako ang una mong nakilala? Paano kaya kung ako ang pinili mo noon pa lang? Tatagal kaya tayo o matatapos din kaagad kagaya niyo?

Alam nating dalawa na magkaibigan lang tayo, na hindi pa handa ang ating mga puso na bumangon mula sa pamamahinga para sumubok ulit, hindi pa naaayon sa panahon at sitwasyon.

Wala mang salitang manggaling sa ating mga labi na maghihintay tayong dalawa kung kailan ang tamang oras, ang mga mata’y iisa ang ipinaparating.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang lahat sa paligid ay hindi sang-ayon sa ating estado at sa kung ano mang pinaplano nating dalawa. Ipinapahiwatig na ba ng mga pangyayari na wala talaga itong patutunguhan? Dapat na bang itigil ang nasimulan o atin itong itutuloy hanggang sa malaman natin kung tayo talaga ang tamang tao para sa isa’t-isa?

Ikaw kaya ang magiging tamang tao sa tamang oras? Ako kaya ang pipiliin mo kapag naging handa na ang puso mong lumaban muli’t magmahal?

Nais mang kilalanin pa ang isa’t-isa ngunit sadyang ayaw pa tayong payagan. Mukhang hanggang dito nalang muna tayo. Sana, sana sa tamang oras at pwede na, sana ay ikaw pa rin at ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required