Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal kita sa best version mo.
Mahal parin kita kahit sa lowest points mo.
Minamahal kita kahit sa panahong hindi ka totoo sakin.
Patuloy kitang minamahal kahit lagi mo naman akong sinasaktan.
At sa puntong pinaramdam mo sa akin na hindi ako karapat dapat mahalin, mahal parin kita.

Marahil nga masasabi na ako’y isa nang hibang dahil ang puso’y tumitbok parin para sa’yo.
Sa totoo lang, ang kirot ng pagtibok nito.
Dahil eto yung puntong wala naman akong ginawa kundi magmahal, pero hindi parin ako yung pinipili sa hulihan.

Sana may control din ako sa mga bagay bagay.
Kung may pagkakataon lang ako ma-control ang isang bagay, eto ay ang puso ko.
Controlin ito na hindi na umasa, at hanapin ka pa.
Na matanggap ng puso kong wala na talaga.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kasi kahit gaano katagal na ang lumipas, yung puso ko nagmamahal parin kahit ang sakit sakit na.

Sana nga tumigil na ang puso kong mahalin ka.

Para naman makita ko na yung sarili kong kamahal mahal pala.

Photo by Franz Harvin Aceituna on Unsplash

Send me the best BW Tampal!

* indicates required