Pwede ba na sarili ko muna isipin ko ngayon?
Pwede ba na sarili ko naman muna mahalin ko?
Pwede ba na piliin ko muna ang pangarap ko?
Ilang buwan ang naka lipas matapos ang iyong paglisan.
Naiwan nanaman ako mag isa, naubos nanaman ako, nawalan ako ng gana sa pangarap ko.
Alam ko na ang babaw pakinggan, kasama sa paglisan mo ang pangarap ko. Ilang buwan, araw, oras nagmukmok. Nasayang ang oras kakaisip kung bakit? Ano ba ang mali sa’kin?
Sabi nga ng babaeng hinahangaan mo sa palabas na “Ex and whys”…
“Am i not enough? Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why? Bakit mo ako nagawang lokohin?”
Pero dadating ka din pala talaga sa sitwasyon na mapapagod ka nalang. Mapapagod ka kakaisip kung bakit, mapapagod ka kakaiyak, mapapgod ka nalang na araw araw ka gigising na masakit ang puso mo, umaasa na ika’y babalik pa ba.
Sa maikling panahon na tayo ay nagkakilala, aking pagmamahal sayo ay totoo. Magkalayo man tayo ngunit ang puso ko ay na sayo.
Patawad kung pinili ko ang sarili ko ngayon at hindi ikaw.
Patawad kung pipiliin ko muna ang pangarap ko.
Patawad kung pinili ko mahalin ang sarili ko at hindi ikaw.
Patawad kung totoo man na minahal mo din ako, napagod na ako sa kadahilanang pag trato mo sa’kin na parang laruan na babalik balikan mo lang kung kailan mo gusto.
Napagod lang ako pero mahal kita.
Ipapaubaya ko nalang muna sa Diyos kung ano ba talaga ang tadhana natin.
Sana kung pwede na, pwede pa.
Kung hindi, salamat pa din sa Diyos na dumating ka sa buhay ko. 🙂