Hindi maalis sa isipan ang seldang kinamulatan
Ang selda na nagsilbing dahilan upang mas maging matatag sa isang araw sa loob ng piitan
Ang selda na nagbigay leksyon at nabigay direksyon kung saan nga ba tayo tutungo
Isang araw na puno ng iyakan at pag mamakaawa sa taong dahilan kung bakit nasa piitan
Puno ng emosyon, takot at pagkabahala sa sitwasyon kung saan ang isat isa lamang ang sandigan
Emosyon na kung saan ikaw ang dahilan
Takot sa posibilidad na akoy matuluyan ng matagal sa piitan
At pagkabahala sa selda kasama nila na walang kasiguraduhan ang patutunguhan
Sakit ang dulot sakanilang lahat sa matibay na paghawak nating dalawa sa damdamin na hindi dapat
Mga mata mo na pilit binabaling sa kung saan nandun ako makita lang ang lagay kung okay ba ako
Mga tanong na ok ka lang ba? kamusta ka dyan? at nakatulog ka ba ng maayos?, na kahit sarili mo hindi mo natanong kung ok pa ba ako?.
Isang araw sa piitan na halos mawalan na ng pag asa
Pag asa na magiging ok ang lahat at magpapatuloy kung ano ang nasimulan
Sarap kasi mag biro ng tadhana kung kelan ok na saka ka nya bibigyan ng karanasan
Karanasan na hindi mo makakalimutan at tatanim sa iyong isipan
Selda na ramdam mo ang lungkot sa bawat isa sakanila na halos walang makain at walang maayos na tulugan
Walang maayos na palikuran at walang maayos na higaan
Isang araw sa piitan ngunit alam kong tayoy napilitan
Napilitan na kalimutan ang lahat para sa ibubuti ng lahat
Isang leksyon na nagbigay direksyon kung nasaan tayo ngayon.
Kamusta ka? Ok ka lang ba? Ang tanong ko sa hangin na papunta sayo para maramdaman mo at damhin ang pag aalala sa taong minsan ay nagparamdam kung gaano nga ba ako kahalaga.
Current Article: