Wala namang nakakaalam ng tunay na nararamdaman; Kaya siguro hahayaan ko nalang. Wala naman magdududa; Hayaan ko nalang mawala ng kusa. Ang bigat man sa pakiramdam; Walang tulong na inaasam. Kinikimkim ang tunay na ikaw; Para kang gulay na hilaw. Matigas, nakikiramdam lang; Hindi lalambot hanggat di kinakailangan. Hindi magsasabi ng kalagayan; Kahit sino man samahan. Gusto mong sabihin; Ngunit natatakot aminin. Na may handang tumulong; Pero sinong maguumpisang umahon?
