Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pasko na, pasko na!
Iba na yung simoy nang hangin
Maginaw na din ang paligid
Kaliwa’t kanang Christmas sale
Shunga dito, tanga doon ay este
Tiangge dito, tiangge doon
May bibingka at puto bumbong na din sa kanto

Pero teka lang ano ba talagang hinahanap ko?
Bakit parang may hindi buo
Parang hindi kuntento sa kinalalagyan ko?
Ok naman lahat pero sa iba nakatuon ang mga mata ko
Nag-aantay ng plot twist bago matapos ang taon na to

Sya na ba? Kelan ba? Matagal pa ba? Laban na!
Para bang nakikipagtawaran pa
Ibababa ang halaga magkaroon lang ng makakasama?
Ay teka mali ata, wag ugaling maging tanga kahit libre pa
May halaga ka, mahalaga ka kasi mahal ka

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Usong uso nga naman, amihan season to aminan season
Kahit saan kahit kailan basta Christmas season may aminan portion
Pero wait lang hindi lang dapat puro “Oo” at “I love you too”
Wag mong kalimutan na hindi porket giving love this season
Ay gagawa ka nang iba’t ibang reason just to fulfill your selfish mission

Dahil kung walang vision, walang mission
Kung walang reason, walang season
At maipaalala ko lang, hindi pasko ang signal ng love life mo
At wag kang ma-pressure kung walang kahawak na kamay ang kamay mo
Tas maya maya hashtag ng SMP ang mga tweet at post mo

Mga tsong at mga tsang, pag-ibig ay hindi minamadali
Ibibigay yan sa iyo kahit hindi mo ipilit
Ang mahirap hindi pa panahon pilit mo ng ginigiit
Puro ngawa at ayaw mong manahimik
Pwede ka bang papigil at kahit sandali’y pumikit

Si Kristo ang dahilan ng pasko, oo ayan si Hesu-kristo nanaman yung banat ko
Bakit? Dahil Sya lang naman talaga ang pupuno sa bawat butas nang puso mo
Magtatama sa utak mong pilipit, pagkat ang akala mo ang pag-ibig ay tungkol sa pagkabig
Pero ang pag-ibig ay tungkol sa pagmamahal nang walang kapalit, pagbibigay at hindi pagkabig
Yung tipong mahal kita kasi mahal ka Nya, tsong/tsang yan ang tunay na pag-ibig!

Hindi nya man ito ibalik, hindi panghihinayangan
Pagkat ang dahilan ng kakayahan mong umibig ay dahil sa una ka ng minihal ng may Akda
May akda ng pag-ibig, may akda ng buhay
May akda ng bawat kwento at may akda nang buong daigdig na tinutungtungan mo

Kaya sa uli-uli kalma lang at wag mababahala pagkat kasangga natin si Bathala
Kalma lang at wag mapagod magmahal, walang nalugi sa pagbibigay
Magpasalamat at magpuri sa Dios Ama kahit ano pa ang iyong pinagdadaanan
Wag aayaw pagkat bawat umaga ay may bagong pag-asa… malay mo bukas andyan na sya
SMP ka nga… tayo, Samahan ng Magpupuri sa Panginoon
Pagkat sa kabila nang lahat minahal Nya ng lubos lubos!

#SMP

Send me the best BW Tampal!

* indicates required