Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

isa akong tagahanga mo
na lihim na nagtatago
masaya na sa mga ngiti mo
hindi sa personal kundi sa profile photo
minsan sa IG or myday mo

Isa akong die hard na tagahangan mo
sa sobrang tagal tinalo ko pa ung probinsyano
sinusubaybayan ko ang kwento mo
sa IG sa fb minsan sa radio
malay mo lang kasi may mag request ng kanta para sayo

Para kong google apps na dapat updated
pag nakitang lumabas sa newsfeed hit like agad
walng isip isip no time wasted
tagasubaybay sa mga kwento mo sa buhay
mas may pake pa ko sayo kesa kay kim chuing maingay
namumura na nga ako minsan ng aking nanay
kasi minsan pag nag post ka ng picture mo
bigla akong napa sigaw ako ng oh my gulay

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


kaya sabi ko eto na kailangan ko na gawin to
mag papabida ako para naman mapansin mo
makikicomment na ko sa mga post mo
tapos nung nag reply ka naihagis ko cellphone ko

gingawa lahat para maging maangas at mag paimpress
kaya hinalungkat ung talent kong matagal ng nakacompress
na kahit anong gawin minsan nakakadepress
tapos magugulat nalang ako ay sheet, kamuka nya inferness

Kaya sabi ko eto na to kailangan ko na gawin to
sasabihin ko na meron akong gusto
aaminin ko na din na kumuha ako ng picture mo
actually meron pa ngang isang nakasave sa memorycard ko

At ayung nga sinabi ko na sayo
kahit alam ko nung una palang malabo maging totoo
pero wala namang mangyayare kahit Habang buhay ko itago to
kaya mas mabuti nalang na malaman mo

Wala akong pinag sisihan
hindi ko sya inisip na katangahan
kasi ung babaeng dati kong hinahangaan
sya na ngaun ung bago kong…….
Hinahangaan

akala nyo happy ending ano po
happy naman kahit ending ang intro
Minsan lang talaga nakakalito
na kahit anong pilit mo may mga bagay
na hindi pwedeng mapasayo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required