Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan iniisip ko kung nagkaron ka ba talaga ng feelings para sakin?

Anong ibig sabihin ng “good morning” at “good night” mo?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pag uupdate mo sa akin?
Naging comfortable ka lang ba talaga ikwento sa akin yung buong araw mo?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pag dedemand mo sakin?
Kasi dumating sa punto na obligado na ako mag update yung buong araw ko at kung sino mga nakakasama ko.
Yung mga sweet gestures mo, ano nga ba yun?
Bakit nga ba may pa-regalo ka with or without occasion?
Friendly ka lang ba talaga?
Pinipilit kong isipin yun para hindi ako mag mukhang assuming.
Pero ano nga ba talaga ang mga yun?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Alam kong ang gulo gulo netong pinasok ko at nahihirapan na ako.
Gusto kong itanong pero natatakot ako mawala ka.
Hindi ko din alam bakit yung puso ko kusang binibigyan ka ng space.
Na kada aalis ka may pwede kang balikan.
Kahit ang labo ng sitwasyon na ito, I am still allowing you to send me mixed signals.

Pinipilit kong maghintay na baka naman aamin ka.
Tintry ko basahin yung mga malalabo mong pahiwatig.
Masyado ba akong available para sayo kaya okay lang na minsan mawala ka tapos bumalik na parang walang nangyari.

Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?
Minsan iniisip ko kung bakit nag cross na tayo sa limits ng pagiging magkaibigan?
Sweet ka lang ba talaga? Eh kasi ako naman itong si t*nga pumapayag sa mga sweet mong galawan kahit na wala namang tayo.
Yung halik at yakap ba masasabi mo pa rin na wala ka talaga nararamdaman para sakin?

Gusto kong malaman if ever ba nagustuhan mo ako?
Dumating ba sa punto na gusto mo mag level up yung meron tayo pero natatakot ka lang?
Gusto kong malaman para naman masabi kong hindi pala ako nag assume lang.
Na lahat pala ng yon ay dahil sa meron ka din naramdaman.
O baka laro lang talaga yung lahat kasi nga alam mong nahulog ako sayo at kaya mong makuha lahat ng libre?

Sumugal na kasi ako sa nararamdaman kong ito.
Pero sa araw araw nalang pakiramdam ko palagi akong talo.
Hindi ko alam kung bakit patuloy akong umiikot sa larong ito.

Napapagod na akong masaktan. Napapagod na akong maghintay.
Mahal kita.
Pero sana matanggap nitong puso ko na kahit anong gawin ko talo na talaga ako.

Photo by Kate Williams on Unsplash

Send me the best BW Tampal!

* indicates required