Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ayoko Na

Umpisahan ang mga bagay ng hindi sigurado
Na may pagdadalawang isip na kala mo’y laro
Tama na ang pagpasok sa relasyong walang klaro
Hindi ka ba nagsasawa na palagi nalang ganito?

Ayoko Na

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pumunta sa lugar na ako lang naman ang talunan
Na simula sa umpisa lagi lang naman nila akong pinagtatawanan
Dahil ba sa itsura ko o dahil ba sa bawat kilos ng aking katawan
Pero ito ako, ganito ako, puwede bang wag mo akong ipagtabuyan?

Bakit hirap na hirap kang tanggapin ako?
Sabi mo mamahalin mo ako kahit kahit ganito ako.
Pero bakit sa pagtagal ng panahon pinandidirihan mo na ako?
Ganito ba pag laruan ang isang taong katulad ko?

Na kailangan mo lang kapag nalulumbay
Na ayos lang kahit sirain mo ang aking buhay

Bakit?

Mahal mo ba talaga ako o kailangan mo lang akong idamay?
Pasensiya ha, sambit mo sa akin bago tayo tuluyang maghiwalay.

Salamat, isang salita na aking binitawan
Kasabay sa paglimot sa ating nakaraan
Na kahit kailan ay hindi na babalikan
Dahil sa una pa lang isa na akong talunan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required