Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Natapos ang lahat,
Nang wala akong pinang hahawakan na kahit isang salita,
Salita na tangi kong pinangarap,
Ang salita na pilit ko sinisiksik sa puso at utak ko.
Salitang “Mahal kita”

Tama Na, Sobrang sakit isipin na lahat ng bagay ay may hangganan,
Hangganan kung saan dito nagtatapos ang saya,
Dito mag tatapos din ang pangarap.
Ang pangarap ko na mahalin ka.

Tanga ako, dahil pilit ko parin nilalapit sarili ko,
Kahit alam kong may iba kana.
Pero kahit ganun pa man, ramdam ko sa sarili ko na baka may pag asa pa.
Pag asa na kung saan ikaw ang makasama habang buhay.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lumayo ng landas, dahil masakit,
Lumayo ng husto, dahil di mo na kaya.
Pero meron parte ng damdamin mo na gustong gusto ang sakit.
Ito ang pag mamahal mo sa kanya.

Tama na, wag mo na saktan sarili mo.
Malaya ka na, pilit mo ito tinatatak sa utak mo,
Pero bawat araw na maalala mo siya,
Bumabalik ang lahat.

Hanggang sa Natapos na ang lahat,
Ang lahat ng kirot, pait and sakit.
Natapos na ang pangarap mong Kayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required