Sa isang daku ng daigdig
Akoy may narinig na isang tinig
Ang tono ay higit pa sa panaginip
Ito ay isang awit ng pag ibig
Di ko namalayang akoy lumalakad na pala
Na parang hawak nito ang puso ko at mga paa
At sa bawat pantig ng yaong mumunting tinig
Ay katumbas ng isang hakbang ng paglalapit
Paunti-unti, naaaninag ko na ang larawan ng umaawit
At sa likuran niyay nakakabit ang isang mensahing nakaukit
“Ang sinumang pusong nakakarinig sa munti kong pag awit
Ay siyang magiging handog ng Dios na aking unang inibig”