Tips To Handle Rejection…

I am no expert but as a simple person, I also experienced rejections that greatly impact my life today.

Rejection for me is an act of pushing something or someone away. May it be a rejection from someone you like, from school, work or other things or activity that can possibly reject you. Yeah, It is hard to be rejected and here’s some tips that might help you move on from a rejection.

1. Cry all the tears aways.

Some may say, “Don’t cry over a spilt milk” “Tapos na yun hayaan mo na” pero tao tayo, may feelings, nasasaktan. Did you ever felt having something na gustong-gusto mo pero parang ayaw ng tadhana na maging sayo? May nagustohan ka na bang isang tao na kahit anong pilit mong maging parte ng buhay mo ay siya ding pilit na lumalayo. Madaling sabihin na “Rejection lang yan, makakalimutan din yan.” But if it hurts you and you want to cry, do it. If you think crying will lessen the pain then cry all your tears away. Walang masama sa pag-iyak pero know your limitation bes. Hindi pwedeng forever tayo iiyak, dahil may tip #2 pa that will guide you…

2. Make Yourself Busy

Wala tayong magagawa pagnireject tayo at wala ding mangyayari kung hahayaan natin yung sarili natin na tumunganga nalang sa bawat araw na lumilipas. If you are a student, try to focus more on your studies at kung working girl/boy ka na then find something that will make you improve (baka mapromote kapa bes). At kung may leisure time ka, busy yourself with a new hobby. Hiking, it can give you peace of mind. Medyo mahirap sa umpisa pero by the time na nakaabot ka na sa top, doon mo na makikita naworth-it din naman yung paghihirap mo. If trip mo food, pwede kang magexplore sa mga trend cafes and resto around you (you can always check new places on your social media). Pwede kang maghanap ng recreational sports like bowling. If wala kang budget, you can do things such as journals, diary or simply making poems, watching movies and listening to a new genre of music aside from your prefered one. Kahit anong gawain mo na makakatulong sayo to not remember that you have been rejected. As time pass by, makikita mo nalang yung self mo na nageenjoy. At once na nangyari yun, you can step up to tip #3….

3. What is the opposite of Rejection?

ACCEPTANCE bes. Kahit magtravel ka pa sa buong mundo, hindi ka basta-bastang makakamove-on kung hindi mo pa accepted na nareject ka. Ganyan talaga ang buhay dzae, ano man ang role mo sa mundo hindi lahat ng bagay ay nakukuha mo. Everyone of us has experience rejection. Kaya go! Umiyak ka, mag-enjoy ka pero kailangan mo ring i-accept na hindi talaga para sayo ang isang bagay, pangyayari, posisyon sa paaralan/trabaho o posisyon sa buhay ng taong mahal mo. Hindi na natin mapipilit ang mga bagay-bagay kaya dapat tanggapin nalang natin ang katotohanan at simulang pagbigyan pansin ang tip #4…

4. Unlearn. Learn. Relearn.

Mag-isip ka, mag-isip ka pa ng malalim, pag-isipan mo ng mabuti. Kaya siguro minsan grabe yung impact ng rejection sa atin kase nagsettle tayo sa isang plano lang. And that is something that we need to unlearn. If gusto natin ang isang tao, bagay man o pangyayari wag tayo umasa sa isang paraan lang. Learn that sometimes baka rejected tayo kase kulang pa yung pinaramdam natin. And start to relearn na sa susunod na may gusto tayong maabot, magsimula tayo sa pag-iisip ng iba’t-ibang paraan na puwede mong gawin in order for you to claim what you wanted. Unlearn that stupid idea of simply giving up. Learn that if you desire for something, you should fight for it. And if hindi talaga para sayo, relearn the process. Relearn everything, baka kase sinasayang mo lang efforts mo. And if everything goes conplicated the effective alternative tip is tip #5

5. Learn to Wait

Rejection doesn’t mean na hindi talaga para sayo, minsan para sayo nga pero hindi pa right time na maging sayo. May ibang nauuna, may iba na late bloomers but always know that we all have our own time to shine. Just learn to wait because best things happen to those who wait patiently. Kaya dzae, toto wag tayong magmadali kase kung time mo na, wala ng makakapigil diyan. Just be patient enough. Minsan kase pilit tayo ng pilit sa hindi para sa atin, hindi natin nakakikita na mayroon palang deserving para sa atin. That maybe in the right time there is that special someone that will come to our life, there are certain things that are meant to be ours and specific position that we are going to conquer and the only thing that we need to risk is our time. The only thing that we need to do is to wait for that perfect time.

So, handa kana bang harapin ang rejection?

Published
Categorized as Waiting

By Maria

Im a potato

Exit mobile version