Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

thank you,but i think I cannot consider myself as your “The one that got away”
Di kita iniwan, di ako umalis.

Kinailangan ko lang lumayo kasi,
panalo na sya-natalo na ako.
May iba ng kasali at hindi na ko pwedeng lumaban pa
kasi alam naman natin na sa una palang
dehado ako sa laban na to.

Alam kong mas mahal mo sya,
oo halos lahat alam yun.
Kaya nga di na ako nagpumilit pa eh
kasi mas lalo ko lang sasaktan sarili ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero salamat,
salamat sa lahat.
Sa bawat pag alala mo,
pag gabay,
pagmulat sakin na mahalaga ako.
Sobra kong pinagpapasalamat sayo yun.

Sayo na ata ako sobrang nahirapan mag move on.
Kasi sayo ko naranasan ang salitang RESPETO.

sobrang proud ako sayo
kahit minsan magulo ka din kausap hahaha
kahit toyoin ka at wala sa wisyo magdesisyon
Ang mahirap lang talaga kasi is
yung mahalin yung taong di sigurado sayo
at di pa tapos magmahal mula sa nakaraan nya.

Alam mo naman yung palagi kong dasal at hiling para sayo nuon pa man.
ang kasiyahan mo lang 🙂

Masaya na rin ako

Oh sya, napaiyak mo na naman ako.

Hanggang dito nalang ang mensahe ko
pero di natapos ang pagmamahal ko para sayo.

Salamat.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required