Or pwede ring TOP 15 BOYS YOU SHOULD STOP DATING 😊😊😊 Anyway, here’s your most-awaited list:
1. Criminal
Literal man o habitual offender. Yung guilty sa kasalanan pero walang planong magbago. Walang konsensya. Mapride. Di marunong tumanggap ng pagkakamali. Di marunong magsorry. Sadista. Walang pake kahit harap-harapan kang saktan.
2. Addict
Mapa-droga man, sugal, sigarilyo, alak, mobile/computer/video games, Kdrama (cheret! 😂)…
Kahit anong uri pa ng adiksyon yan, kung mas inuuna o pinapahalagahan pa nya ang bisyo nya kesa sayo, kung di nya ito kayang bitawan kahit para nalang sana sa sariling kapakanan, kung ayaw nyang magparehab… Besh the best thing you could do is to let him go. Mas mahal pa nya ang bisyo nya kesa sayo eh.
3. User
Dependent or overdependent. Tamad. Lahat inaasa sayo mapa-household chores man yan, pagprovide financially sa dates nyo o personal needs nya, o pagresolba sa sariling problema. Walang direksyon sa buhay. Walang sariling desisyon.
4. Overspender or has uncontrollable debts
Either dahil sa luho or sa bisyo, kahit may trabaho pa yan kung hindi naman nauubusan ng utang o masyadong magastos, chances are, baka pati ikaw isangla nya din o gawing ATM. Wag kang papayag sa ganon.
5. Abusive
May anger-management problem. Triggered kahit sa kaliit-liitang bagay. War freak. Sayo binubunton lahat ng galit nya sa mundo.
Mapanakit physically. Hindi makatao kung pagsalitaan ka. Lalaitin, hahamakin ang pagkatao mo, ibaba ang self-esteem mo, papaniwalain ka na wala nang magmamahal o papatol sayo bukod sa kanya.
***
Besh wag kang martir. It’s not your obligation to put up with these kind of sh*tty behaviors. Hindi ikaw ang Nanay nya. Di mo obligasyon na baguhin sya o isupervise ang buhay nya. Tao ka, hindi Diyos. Kung ayaw nyang magbago o isalba ang sarili nya, ikaw na ang umiwas.
Isalba mo ang sarili mo kesa matulad ka pa sa kanya o makuha mo pati toxic nature or habits nya. Hindi ka pinanganak para magdusa sa piling ng gantong uri ng mga lalaki.
***
6. Fuckboy
Cassanova. Playboy. Walking hormone. Mahilig sa one-night stands. Fubu type of guy. Taga-suggest ng friends-with-benefits set up.
Besh tao ka. Hindi ka tissue na pag tapos gamitin, itatapon nalang. Hindi ka laruan na pag sawa na sayo, basta ka nalang iiwan o ipagpapalit sa iba. Respetuhin mo ang sarili mo.
Just because you satisfy his sexual needs or you offer your services in bed, doesn’t mean na mamahalin ka na nya.
7. Cheater
Unfaithful. Di marunong makontento sa isa. Palaging may reserba. Malandi. Marupok sa tukso.
Undecided. May bagong jowa pero nakikipaglandian parin sayo. Ikaw tong si marupok, nagpapalandi naman. Desperada lang teh?
8. Chronic liar
Huling-huli mo na, nagsisinungaling pa. Pinagtatakpan pa ang pagkakamali ng isa pang kasinungalingan. Nagsasabi nga ng totoo pero half-truths lang. Pwedeng best selling author sa husay magtagpi ng kwento, tipong mahirap hanapan ng loopholes.
Magsusorry, pero magloloko ulit. May iba na palang karelasyon pero di magawang umamin sayo. Di marunong tumupad sa mga pangako.
9. Ninja
Flirt, ikaw lang daw nilalandi pero marami pala kayo. Paasa or pafall. Misleading yung words or actions. Tinatrato kang jowa pero ikaw lang pala nag-aassume na merong ‘kayo.’ Binabakuran ka eh wala namang ‘kayo.’
Parang combination ng cheater at chronic liar ito. Takot sa commitment. Ayaw bigyan ng label ang relationship pero sa galawang breezy, mabilis, matinik, expert.
10. Virtual guy
Yung inaasa sa socmed o sa dating apps ang pakikipagrelasyon o paghahanap ng girlfriend. Wag nating gawing excuse ang pagiging torpe o dahil nasa digital age na tayo. Kung gusto ka, sasadyain ka nyan sa inyo, hihingi ng permiso sa mga magulang mo para ilabas ka, aamin sayo nang harap-harapan na gusto/mahal ka nya, at liligawan ka talaga.
Hayaan mong paghirapan ka. Dun masusukat kung tunay ba ang feelings nya o may malinis syang intensyon sa iyo.
11. Control freak
Manipulator. Pakialamero sa lahat ng bagay. Yung tipong lahat nalang gustong kontrolin, ultimo paghinga mo o yung mga taong pakikisamahan mo, sya dapat masusunod. Hindi ka hinahayaan na magdesisyon para sa sarili mo.
Perfectionist. Kailangang sundin ang rules or standards nya kundi ay katakut-takot na sermon ang aabutin mo. Mahilig mamblackmail. Igiguilt trip ka kesyo pag di mo sinunod ang gusto nya, ibibreak ka daw nya or di mo daw magugustuhan ang gagawin nya.
13. Narcissist
Masyadong vain. Obsessed sa sarili. Mas mahaba pa ang inilalaang oras sa katawan kesa sayo. Mayabang. Yung wala nang ibang nakikita kundi sarili nya, sya daw kasi ang basehan ng perfection. Selfish. Allergic sa pagsasakripisyo.
14. Over clingy
Sobrang seloso, yung tipong masasakal ka talaga. Insecure sa ibang lalaki. Tinatanggalan ka ng social life. Maraming bawal. Ultimo pag-abot sa pangarap mo ibabawal dahil di nya kayang malayo ka sa kanya.
Pero pag nagtangka ka namang makipaghiwalay, magmamakaawa sya sayo dahil di daw nya kayang mabuhay pag wala ka sa buhay nya.
Pagbabantaan ka pang magpapakamatay daw sya pag iniwan mo sya.
15. Spiritual midget
Walang takot sa Diyos. Maliit ang pananampalataya. Kasi kung godly sya, hindi nya gagawin yung mga namention kong traits above, titigilan nya sila, o magbabago sya para sa sarili nya.
Rerespetuhin ka nya pati mga boundaries mo. Hihingiin nya kay Lord ang puso mo. Paghihirapan ka. Pagsusumikapan na mapaligaya ka lagi at iibigay sayo ang best nya. Gagawin ka pang inspirasyon para pagbutihin pa lalo ang sarili nya.
Because he knows and acknowledges that you’re worth it. That you deserve nothing but the best.
Idol nya si Lord eh. Si Lord ang batayan at inspirasyon sa kung paano ka nya tatratuhin o kung pano dapat magmahal. Bago ka nya ipursue, si Lord muna ang mamahalin at ipaprioritize nya. Tapos ilalapit ka nya kay Lord. At si Lord ang gagawin nyang sentro at pundasyon ng relasyon ninyo.
Sana ikaw din.
Acknowledge your worth. Accept na kung di ka talaga gusto, kung toxic sya bilang tao, kung ikaw nalang ang nagpapaniwala sa sarili mo na mahal ka nya o kayo ang itinadhana para sa isa’t isa, bitaw na. Stop settling for less than what you really deserve.
Imbes na maghabol o magpakadesperada, spend your time:
1. chasing your dreams
2. upgrading your knowledge and skills (lalo sa gawaing-bahay at pagpapamilya)
3. working on your weaknesses, and;
4. creating happy memories with your family and friends
Develop yourself and be a better person while waiting. Mas okay na hinahanda mo ang sarili mo for the future. Pinaka-okay yung inienjoy mo ang single life o pagiging dalaga mo. Trust me maaappreciate ng Mr. Right mo yang mga yan. Kwento mo sa kanya ang mga ginawa mong preparasyon pag nagkita na kayo.
***
Kaya nga ‘boys’ yung nilagay ko sa title, hindi ‘men.’
Boys are immature. Men are not.
Men are chivalrous by nature. And no, I’m not being idealistic or hopeless romantic here.
They are responsible and are not afraid of commitments. They are not impulsive or impatient. They are the exact opposite of the personalities I have mentioned.
They know what love, sacrifice, devotion, and fidelity mean. If they are real men, they will not hesitate to offer these things to their partners.
***
In this world full of pokmaru people, be the girl who knows what she deserves. The kind of girl who confidently walks away than settling for less. The girl who guards her heart well. The patient and determined warrior princess.
Alam kong kaya mo yan. God bless!
***
Credits to: Bo Sanchez, Jason and Crystalina Evert, Boiling Waters
Written by: Rah Imperial
To God be all the glory.