Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akala ko okay tayo
Hindi ko alam meron na palang dayo
Sa walang katiyakan na mundo
Patuloy na naniwala sayo.

Tiwala, naniwala at binaliwala
Nagtatanong ako ngayon sa tala
Bakit kailangan mangyari
Ang ganoong pangyayari.

Nagtatanong at naguguluhan
Sa nabaliwalang samahan
Ayaw kitang husgahan
Pero nawala na ang samahan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ako ay babangon
Sa galit na nadarama, ako’y aahon
Matamis na ngiti ang papalit
Sa kasiyahan kong pilit.

Saya ang madarama
Bukas ng umaga
Hinihiling na tayo ay sasaya
Na wala ang isa’t isa

Send me the best BW Tampal!

* indicates required