May kwento ako para sayo.
Yung laman ng puso ko kanina.
Paano ko ba to uumpisahan?
at kapag naumpisahan, paano ko ba ito dudugtungan?
Nais mo pa ba itong marinig?
Teka lang… sandali lang…
Bakit ako nagaalinlangan?
Dati nama’y sabik ako…
Hinihintay pa nga ang oras,
Yung tamang oras na ika’y makausap.
Teka lang… sandali lang…
Sarili ko’y pinipigilan,
Ramdan ko na ika’y napipilitan,
na makisama sa kwentuhan.
Tulog ka na. Baka pagod ka na.
Napagod ka na nga pala.
Pagod na rin pala ako…
na maghintay sa bawat pag-gising mo…
at umasa na ikaw ay makikinig pa…
sa kwento ng laman ng puso ko.
Matulog ka na. Hinihintay ka na niya na magising ka.